halina sa destination ewan where I discuss everything under the sun!!! Hehehe.

Buntot Palos. Ang lugar kung saan (halos) madurog si Kamiko at ang tail bone ko.

Pangil, Laguna. 010612-010812.

010612. 8pm. Kitakits sa Green Star bus terminal sa Buendia LRT. Bumiyahe ng almost 3 hours papunta sa Sta Cruz Laguna. Trapik! Buti na lang magandang chick ang katabi namin sa dulo ng bus at swerteng nakisabat sa paguusap namin nung malaman na aakyat kaming bundok hehe. Pero skip na natin yang kwento na yan kasi baka kung san pa mapunta ang usapan hehehe. Dumating ng Sta Cruz around 11pmΒ  then sumakay pa ng Jeep papuntang Pangil. Mahal ng pamasahe ampf! 34 pesos. yun pala malayo nga yung byahe hehe.

Past 11 na kami dumating ng Pangil kaya wala na din nagawa kundi mag-inom na lang ng konti para makatulog na agad. Eto yung grouphug ng namin ng ParaΓ±aque Photography Team (PPT). From left to right: Migs, Feves, ako, John, Nic, Cirwin, Louelle, Ric.
010612 Pangil Laguna with PPT

010712. 630am. Gising ng maaga para maghanap muna ng insekto para may macro shots na maipost hehe. Luckily, merong mga ilang insekto sa bakuran ng bahay nila Nic.

Hanggang ngayon di ko pa din alam tamang tawag dito sa plant hopper na to. baka alam nyo ah. parang may gunting sya sa nguso. hehe.
??? 010612

Ito naman eh isang Shield Bug na bagong panganak lang.
Shield Bug

Jumping Spider na baby pa siguro kasi medyo may kaliitan pa eh.
baby Jumping Spider

Medyo maliit pa tong tipaklong na to kaya ang tamang tawag siguro dito eh tipakshort. hehe.
Grasshopper

010712. 9am. Matapos mag almusal at ibalot ang baong adobo with ultramegang dami ng rice na good for 3 persons yata hehe (thank you kay ate Esther na naghanda ng baon namin), tumulak na kami papuntang Buntot Palos. Ops! Grouphug muna ulit.
010712

After ilang minutes ng paglalakad nakarating kami sa Tennis court nila Nic (sa gitna ng gubat hehe asteeg \m/ ).
010712 Nic's Tennis Court

Tapos papicture muna ko sa astig na old manual film camera ni Migs.
010712 with Mig's manual film camera

May nakita din akong Milipede kaya syempre pinicturan ko din.
Milipede

After ilang minutes ng paghihintay ng mga magiging guides namin paakyat, larga na ulit! Nakarating sa registration area kung saan kailangan magbayad ng 30 pesos per person. Kami pa lang pala ang unang aakyat ng 2012 sa Buntot Palos. Sabi nung mga tao sa baba maputik daw ngayon kasi nag uuulan. (Hindi nila sinabing SOBRANG PUTEEEEK!!) hehehe.

Eto yung first part ng paakyat ng bundok, 45 hanggang 50 degrees na paakyat. 15 minutes na pahirap! Sementado nga eh sobrang tarik at dulas naman hehehe.
010712 45-50 degree trek

Ito ang isa sa mga kinabubuhay ng mga tao dun, ang pumutol ng punongkahoy. Kasama nila sa pagbaba eh yung mga kabayo nila. Yung mga walang kabayo mas matitindi, mano mano nilang buhat yung troso! aw! Lufet!
010712 Logger

Ilang minutes pa na akyatan eh patindi na ng patindi yung putik.
010712 muddy foot

Bali yang picture sa taas ang huling shot ni Kamiko (my D90) bago siya na-injury pati ako huhu. Habang tumatawid kasi ako sa may isang batong malaki eh nadulas ako. Toinks! Basag ang battery door ni Kamiko at tumalsik kasama yung battery. Buti kahit papano eh nakita ng mga kasama ko kung saan tumalsik. Dahil alam kong hindi ko na siya magagamit nung akyat na yon dahil paulan ulan pa eh sinilid ko na lang siya muna sa black garbage bag na dala ko.

Ilang oras pa kalbaryong hatid ng mala-tsokolateng putik eh nakarating din sa Buntot Palos Falls. Grabe ang dulas ng mga bato nung time na yun kasi basa lahat nung dadaanan.

Nilabas ko lang ng ilang segundo yung isa ko pang camera na dala, si Yumiko (Canon A480 na point-and-shoot), para makakuha man lang ng picture ng napakagandang tanawin na ito. Dun na din kami naglunch kahit malakas talaga yung talsik ng tubig sa amin.

Buntot Palos Falls

Nung pabalik na kami feeling ko survival mode na talaga. Mas lalong naging maulan at maputik na umaabot na sa tuhod yung ibang parte. Nagsisimula na rin kumirot yung tail bone ko na humampas sa bato nung pagkadulas ko. Basang sisiw talaga kaming lahat bago makababa.

Nakarating na kami ng bahay nila Nic ng mga 530pm na yata yun. Pagod at masakit ang buto buto kaya pahinga muna sandali. kain ng dinner at syempre hindi makukumpleto ang Laguna trip kung walang… LAMBANOG! hehe. Shot mga tol! (Picture courtesy of bro Feves)

Photobucket

January 07. Uwian time! =)
Babalikan namin to sa summer kasi yun daw ang best time pumunta dun! Walang Putik!πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€

So yan po ang una kong kwento sa journal ko na to. Sana po bisitahin nyo ito kung may mga updates ako hehe. Maraming salamat! Hanggang sa susunod na trip-tripan sa Destination Ewan!πŸ˜€
-=-

6 responses

  1. astig! sama ako sa summer, hahaha!

    January 29, 2012 at 1:56 am

    • kites182

      apply ka na ng leave bro! hehehe.πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€
      -=-

      January 29, 2012 at 2:08 pm

  2. nice one pre! kailan ang next blog entry?

    kainip!πŸ™‚

    January 31, 2012 at 2:11 am

    • kites182

      wait lang pre hehe. super busy eh.πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€

      January 31, 2012 at 2:16 pm

  3. Grabe ang pinagdaanan niyo!

    Di ko alam kung kaya namin ni Niko ang ganyan!πŸ™‚

    February 8, 2012 at 5:33 am

    • kites182

      kayang kaya nyo for sure =)
      lakasan lang ng loob hehe =)
      -=-

      February 8, 2012 at 7:13 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s