halina sa destination ewan where I discuss everything under the sun!!! Hehehe.

Kung Hei Fat Choi! My Chinese New Year Experience!

Kung Hei fat Choi! Kiong Hee Huat Tsai! Mga pagbating ang ibig sabihin literally ay “Congratulations and wishing you prosperity!”

Maaga pa lang ng January 23, Monday, eh pumunta na agad ng Binondo Manila para makisaya sa Chinese new year. Pagdating pa lang ng Arch of Godwill sa Ongpin corner Plaza Sta. Cruz eh ang dami nang tao.

Arch of Goodwill

Ongpin and Plaza Sta. Cruz

At dahil hindi pa ko nag aalmusal ng eh huminto muna ko sa nakita kong tindahan ng fried Siopao. Masarap! hehe. 16 pesos lang isa eh may laman na ang tyan kong gutom hehehe.

Fried Siopao

Lakad lakad pa. Daming nagbebenta ng sari-saring pampasuwerte at pang alis ng malas. Pero ako tinignan ko pa lang yung nagbebenta eh parang naalis na yung malas sa katawan ko kaya hindi na ko bumili hehehe gastos lang yun eh😀😀😀

Charms and Amulets vendor

Along Kipuja street eh may isang maliit na Buddhist Temple na halos nakatago sa 2nd floor ng isang maliit at lumang building doon, ang Kuang Kong Temple. Si Kuang Kong ang itinuturing na patron ng mga Scholar at Martial Arts pero mas kilala sya bilang God of War.

Kuang Kong temple

Pagkatapos magdasal, yung iba eh nagsusunog ng Joss Paper o tinatawag din minsan na Ghost o Spirit Money sa may malaking kiln o furnace.

Burning of Joss Paper

Paglabas ng Kuang Kong Temple aba eh parang gutom na ulit ako. Pero itong sunod kong nakita eh parang mas gutom pa yata, kasi naman tignan nyo, ang kinakain eh apoy! woot woot! hehehe!!!

Fire Eater

Kaya naglunch muna kami dito sa sikat na kainan sa Ongpin, ang tinatawag nilang Estero. Kaya pala Estero ang tawag dito eh kasi talaga naman palang katabi ng literal na estero itong kainan hehe. Buti na lang walang amoy na mabaho hehehe. Bali kumain kami ng Sweet and Sour Pork atsaka Crispy Fried Palaka. wooo sarap! Sorry ha walang picture yung pagkain hehehe. Lamon kasi agad pagkahain kaya nakalimutan nang picturan.

Estero Restaurant

Pagkatapos kumain eh lakad na ulit. May mga Lion Dancers na mga bata kaming nakita. Oo nga pala, magkaiba ang Dragon Dance sa Lion Dance. Ang Dragon Dance ay binubuo pala ng tatlo o mahigit na tao habang itong picture sa baba na kung saan dalawa lang ang tao sa loob ay tinatawag na Lion Dance. So next time alam mo na ang difference ha =)

Lion Dancers

Eto nga pala yung picture ng tinadahan ng fried siopao. Daming tao sa labas at ang haba ng pila hehe.

Fried Siopao for sale

Tikoy! Para kumapit ang swelte! hehehe. Napansin ko lang pala, bakit kaya lahat ng kahon ng Tikoy nakasulat eh ‘special’? Wala kayang hindi special para mas mura ng konti? hehehe.

Tikoy

Hindi kami makatiis kaya binalikan ulit namin yung Kuang Kong Temple. Hindi ko naitanong kung sino dyan sa tatlong nasa altar si Kuang Kong. hehe.

Kuang Kong, The God of War.

Isang ale na taimtim na nagdadasal hawak ang mga insenso (Joss Sticks)

Devout

Ito namang mga ito hindi ko alam kung anong klaseng chili o hot sauce ang nainom hehehehe. umaapoy na bibig!😀😀😀

Firebreather 02

Firebreather 01

Hapon na! Haaaay! Kaantok! Hehehe.

Cool Doggie

Hinikab ka din ba? hehehe.

At sa kabilang dulo naman ng Ongpin st, makikita ang Minor Basilica of San Lorenzo Ruiz o mas kilala sa tawag na Binondo Church na itinatag noong taong 1596.

Binondo Church

May mga nakita din tayo syempreng reporter, sila Raffy Tima at ang napakagandang si miss Connie Sison.

GMA reporter Raffy Tima

Connie Sison

Ihahabol ko na lang yung katuloy o part 2 ng post na ito hehehe. Parang medyo mahaba na kasi eh. Saka super late na eh last last week pa tong Chinese New Year hehehe. Hanggang sa susunod na post! =)

-=-

update to this post: part 2 of my Kung Hei Fat Choi experience =)
please click the link >>> https://destinationewan.wordpress.com/2012/03/06/kung-hei-fat-choi-my-chinese-new-year-experience-2nd-part/
-=-

3 responses

  1. Sarap naman ng food trip mo Pareng Kites!

    February 9, 2012 at 3:44 am

    • kites182

      sayang nga walang picture yung palaka hehe. sa March siguro claim ko na yung Bagnet!😀😀😀

      February 9, 2012 at 10:37 am

  2. Pingback: Kung Hei Fat Choi! My Chinese New Year Experience! (2nd part) | kites182

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s